Sa pagdalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Halstead na hindi niya ikinatuwa nang mapag-alamang itinuloy ang paglalabas ng naturang bakuna.
Sinubukan aniya niyang tulungan ang Sanofi makaraang mag-organisa ng annual meetings kasama ang Sanofi at iba pang manufacturers simula noong 2001 ukol dito.
Ngunit naglabas umano ang Sanofi ng public rebuttal at iginiit na hindi sapat ang ebidensya ng kaniyang pag-aaral sa naturang bakuna.
Dagdag pa ng eksperto, tinutukan niya ang Dengavaxia simula ng maging ideya pa lamang ito bago pa naging isang produkto.
Mayroon naman aniyang ibang maayos na bakuna para sa Dengue ngunit wala pa aniya nito sa Pilipinas.
Samantala, sinabi rin ni Halstead na walang sinuman sa Sanofi ang ginustong mayroong mapahamak sa naturang bakuna. / Angellic Jordan