Nagbitiw na sa pwesto bilang chairperson ng National Your Commission (NYC).
Ang resignation ni Seguerra ay nasa tanggapan na ng executive secretary gayunman, hindi pa ito inaaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naipasa na rin sa Office of the President ang resignation ni Seguerra.
Nabatid na March 5 pa naghain ng resignation si Seguerra pero sa April 5 pa ito magiging epektibo.
Hindi pa mabatid ni Roque ang dahilan ng pagbibitiw ni Seguerra dahil hindi pa umano niya nababasa ang resignation letter.
Noong Aug. 2016 nang italaga ni Pangulong Duterte si Seguerra sa NYC.
MOST READ
LATEST STORIES