Absolute divorce hindi labag sa Saligang Batas ayon kay Rep. Lagman

Nanindigan si Albay Rep. Edcel Lagman na hindi labag sa Konstitusyon ang pagsasabatas ng absolute divorce and dissolution of marriage.

Ayon kay Lagman, isa sa may-akda ng panukala, unanimous ang naging boto ng mismong ang mga commissioner na gumawa ng 1987 Constitution may kaugnayan sa karapatan ng kongreso na lumikha ng divorce law.

Sa katunayan wala anyang probisyon sa Saligang batas na nagbabawal sa paglikha ng batas ukol sa divorce.

Sinabi pa nito na ang kaparehong probisyon sa Konstitusyon ng bansa may kaugnayan sa marriage and family life ay makikita rin sa saligang batas ng ibang mga bansa tulad ng Columbia, Bolivia, Peru, Chile, El Salvador, Portugal, Brazil, Poland, France, Saudi Arabia, Russian Federation at Cuba na pinapayagan ang absolute divorce.

Maging ang Canon Law o batas ng simbahan anya ay pinapayagan ang canonical divorces o “nullification of marriage”.

Paliwanag ni Lagman ang “inviolability” of marriage ay standard pero hindi anya ito nangangahulugan na ipinagbabawal ang divorce sa mga limitado at exeptional cases.

Idinagdag pa nito na habang pinoprotektahan ng estado ang kasagraduhan ng kasal, obligasyon din aniya nito na bigyan ng proteksyon ang mga mag asawang hindi mapagkasundo upang mapangalagaan ang anak ng mga ito at hindi ma-expose dahil sa pag-aaway ng mga magulang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...