Inatasan na ng Malakanyang si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na repasuhin ang naging desisyon ng prosecution panel ng National Prosecution Service na ibasura ang kasong drug trafficking laban kina self-confessed drug lord Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa naman pinal ang desisyon ni Prosecutor General Jorge Catalan hangga’t hindi pa nire-review ni Aguirre.
Sinabi pa ni Roque na tiyak na bubusiin ng husto ni Aguirre ang naturang kaso.
Base sa 41- pahinang resolusyon, hindi credible witness ang hawak ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na sina Espinosa, Lim, Co, Marcelo Adoroco, Max Miro at Lovely Impal kung kaya ibinasura ang kaso.
December 2017 pa nilagdaan ang resolusyon subalit kahapon lamang nailabas sa publiko.