Cessna plane bumagsak sa Pangasinan, dalawa ang sugatan

Isang two-seater airplane ang nag-crash sa taniman ng mais sa bayan ng Binalonan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Chief Insp. Lovell Dalisay hepe ng Binalonan police, sugatan sa nasabing insidente ang piloto ng Cessna plane na si Capt. Bruce Sinaking at ang student pilot na si Marcus Lim.

Ani Dalisay, nagliyab ang Cessna 152 nang pa-take off na ito alas 7:00 ng umaga ng Martes (March 13).

Matinding pinsala aniya ang natamo ng eroplano habang ang dalawang nasugatan ay ginagamot na sa ospital.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang Civilian Aviation Authority of the Philippines (CCAP) sa insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...