Natagpuan na ang mga labi ng tatlong crew ng barkong Maersk Honam na nasunog noong March 6 habang bumibiyahe sa Arbian Sea.
Dalawa sa nasabing mga crew ay pawang Pinoy.
Sa statement ng Maersk Line, naabisuhan na umano ang pamilya ng mga crew nila na nasawi.
Sinabi din ng Maersk na mula noong matanggap nila ang distress signal galing sa Maersk Honam ay agad silang rumesponde at nagsagawa ng tuluy-tuloy na search and rescue mission,
Nagresulta ito sa pagkakaligtas sa 22 pa nilang crew,
Una rito ay naglabas ng pahayag ng John B. Lacson Foundation Maritime University (JBLFMU) kaugnay sa tatlong engine cadets nila na sakay ng nasunog na cargo vessel.
Sa statement ng chief executive officer ng Unibersidad na si Dr. Ronald Raymond Lacson Sebastian, sakay ng barkong “Maersk Honam” ang tatlo nilang engine cadets na mula sa JBLFMU-MOLO.
Ayon sa pahayag ng paaralan sa tatlo nilang estudyante tanging si E/C Carl Vincent Chan ang nakaligtas habang kabilang sa naitalang nawawala sina E/C John Rey Begaso, E/C Janrey Genovatin.