Sa abiso ng Meralco sa mga bayan ng Luisiana, Majayjay at Sampaloc sa Laguna at Tayabas at Lucban sa Quezon mayroong dalawang magkasunod na interruption Martes ng umaga at hapon.
Kabilang sa mga apektado ang mga sumusunod na lugar sa Quezon at Laguna mula alas 9:00 at 9:59 ng umaga at 3:01 at 4:00 ng hapon:
- Tayabas
- Lucban
- Majayjay
- Luisiana National Road
- Bakia
- Botocan
- Burgos
- Gagalot
- Piit
- Rizal
- Taytay
- Ilayang Owain
- Bataan
- Camaysa
- Dapdap
- Ibas
Mula alas 10:00 hanggang alas 3:00 ng hapon:
- Bahagi ng Tayabas – Lucban National Road mula Sitio Don Elpidio sa Brgy. Lalo hanggang Graceland Estates & Country Club sa Brgy. Camaysa sa Tayabas, Quezon.
Ang dahilan ayon sa Meralco ay ang relocation ng pasilidad sa Camaysa Bridge dahil sa road widening project.
Mula alas 10:00 hanggang alas 2:00 ng hapon:
- Makiling Subdivision sa Brgy. Anos, Los Baños, Laguna
Ang dahilan ay ang pagpapalit ng poste at line reconductoring work sa Makiling Subdivision.
Mula alas 10:00 hanggang alas 3:00 ng hapon:
- Bahagi ng Maharlika Highway mula Fisheries Road hanggang Old Zigzag Road
- Sitios Anos
- Daungang Pari
- Iringan
- Amao
- Crossing
- Quezon National Agricultural School in
Ang dahilan naman ay ang conversion ng facilities ng Meralco sa kahabaan ng Maharlika Highway.
Ayon sa Meralco, sisikaping tapusin agad ang lahat ng aktibidad upang maibalik sa tamang oras ang suplay ng kuryente sa mga maaapektuhang lugar.