Nang mapasok ang isa sa mga kwarto ng bahay, tumambad sa mga otoridad ang nasa 300 iba’t ibang uri ng hayop na tinatayang nasa P10 milyon ang halaga.
Kabilang sa mga nakuha sa bahay ang iba’t ibang uri ng ibong Cockatoo kabilang ang Sulphur-crested, moluccan at black palm.
Kasama rin sa nakuha rainbow lory at black-capped lory na itinuturing nang endangered species.
Nadiskubre rin ang mga sugar glider, tatlong juvenile ostrich, at dalawang baby kangaroo.
Galing Indonesia umano ang nasabing mga hayop.
Naaresto sa nasabing operasyon ang tatlong caretaker at itinuturong may-ari ng bahay.
Ayon sa DENR, ang suspek ay dati nang na-convict dahil sa ilegal na pag-aalaga at pagbebenta ng hayop.