Ayon sa PAGASA, walang anumang sama ng panahon na papalapit sa bansa sa susunod na mga araw.
Ngayong araw, ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera, Bicol at lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Amihan.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan dahil din sa Amihan.
Habang sa Eastern Visayas at Caraga Region, umiiral ang tail-end ng cold front na magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.