15 arestado sa magkakasunod na operasyon sa Maynila

File photo

Aabot sa labinglimang drug suspects ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Sampaloc, Maynila.

Kabilang sa nadakip ang pitong babae, at pawang lalaki ang walong iba pa.

Magdamag na isinagawa ng mga tauhan ng Sampaloc, Manila police ang lugar na kanilang nasasakupan.

Dalawa sa mga babaeng naaresto ay nakuhanan pa ng surveillance video habang nagbebenta ng shabu.

Nasabat mula sa mga suspek ang mga sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

 

 

 

 

 

 

Read more...