Pelikulang ‘Felix Manalo’, nakasungkit ng 2 Guinness record

12115743_1495979630701077_6367618530212930420_n
Mula sa ‘Kapatid Social Media Feeds FB Page’

Nasungkit ng pelikulang ‘Felix Manalo’ ang dalawang bagong Guinness World Record.

Nakuha ng pelikula ang pagkilala bilang ‘largest audience for a film screening’ at ‘largest audience for a film premiere’.

Umabot sa 43,624 katao ang nanood ng advance screening ng biopic para sa founder ng Iglesia ni Cristo na ginanap sa 55,000-seater na Philippine Arena.

Bago magsimula ang screening, naroon na ang Guinness adjudicators na sina Marco Frigatta at Victoria Tweedy.

Ayon sa kanila, ang dating record para sa world’s largest audience in film premiere ay 10,000, samantalang 28,442 naman sa largest audience in a film screening na parehong tinalo ng Felix Manalo.

Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan ni Dennis Trillo bilang Felix Manalo, kasama si Bela Padilla bilang kaniyang asawa na si Honorata de Guzman-Manalo.

Read more...