Layon ng hakbang na matutukan ang lahat ng mga anggulo pagdating sa paghahatid ng mga balita sa publiko sa panahon ng halalan.
Sa ilalim ng temang VotePH2016: ThINQ.Vote, ipapalakat ng Inquirer media group ang may 80 mga mamamahayag mula sa print, online, at radyo upang ihatid ang pinakahuling mga balita sa araw mismo ng eleksyon sa May 9, 2016.
Makakasama ng mga ito ang may 80 pang mga correspondents sa mga probinsya at mahigit sa 2,000 mga volunteers sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Kabilang din sa plano ng Philippine Daily Inquirer, Inquirer.net, Radyo Inqurier, Inquirer Bandera, Inquirer LIbre at Inquirer affiliate na Cebu Daily News na maihatid ang laman ng mga plataporma ng bawat isa sa mga kandidato sa publiko upang matulungan ang mga ito na bumoto ng ng karapat-dapat sa araw ng eleksyon.
Ayon kay Juliet Javellana, director ng Central Desk ng Inqurier Group, walang ibang media organization ang makakagawa ng malalim at malawak na coverage na kayang ibigay ng multiplatform coverage ng Inquirer.
Upang mas mapalawig pa ang paghahatid ng balita, makikipagkaisa ring muli ang Inquirer media group sa GMA Television network simula February 9, upang ihatid sa taumbayan ang isa sa mga gaganaping presidential debate na pangungunahan ng Commission on Elections.
Simula rin ngayong buwan, magiging laman din ng mga Meet the Inquirer forum ang mga magiging presidential candidates upang mas lalong makilala ng taumbayan ang kanilang posibleng pagpilian.
Samantala, sa ilalim naman ng bagong pamunuan ng Radyo Inquirer, bukod sa national elections, bibigyan din ng pagkakataon ang mga kandidato sa lokal na halalan na iprisinta ang kanilang mga plataporma para sa kanilang mga consituents partikular na sa mga lokal na kandidato sa Metro Manila.
Ayon pa kay Arlyn dela Cruz, News Director ng Radyo Inquirer, bumubuo na ang himpilan ng kommunidad ng mga volunteers upang maghatid ng mga mahahalagang impormasyon sa araw ng halalan sa ilalim ng temang “Tamang Boto, Bayan ang Panalo.” slogan.
Ang pahayagang Bandera naman ay nakatakdang maglunsad ng kampanyang ‘Wag Kang Bobotante’ na layon din na ipakilala ang mga kandidato sa taumbayan.
Ang Inquirer.net, gagamitin ang kapangyarihan ng online media upang maghatid ng komprehensibong mga artikulo kaugnay sa halalan at ihahatid ito sa pamamagitan ng social media.
Paliwanag naman ni Michael Lim Ubac, Day Desk chief ng Inquirer News, ilalapit ng Inquirer ang mga kandidato sa taumbayan sa pamamagitan ng mga pagtutok sa mga ito upang mabigyan ng mas detalyadong impormasyon ang publiko sa pagkatao ng bawat kandidato.