3 bahay tinupok ng apoy sa White Beach, Puerto Galera

 

Palyadong linya ng kuryente ang pinagsimulan ng apoy na tumupok sa tatlong bahay at sumira sa maraming iba pa sa isang residential area sa White Beach ng Puerto Galera.

Ayon kay Puerto Galera Municipal Police Station chief, Senior Inspector Teofilo Awingan, alas-3:30 ng hapon nang sumiklab ang apoy mula sa bahay ng isang Belen Evangelista sa Barangay San Isidro.

Makalipas ang 25 minuto ay naideklara nang under control ang sunog.

Maswerte namang walang nasugatan mula sa naturang insidente.

Read more...