Ayon sa PAGASA, 11.2 degrees Celsius ang naging temperatura sa Baguio City kahapon ng umaga.
Habang 35.4 degrees Celsius naman ang temperatura sa General Santos City, ngunit nasa 40 hanggang 41 degrees Celsius ang naitalang heat index o naramdamang init.
Dagdag pa ng PAGASA, mararanasan ang patuloy na malamig na panahon sa Baguio hanggang sa unang linggo ng April.
Samantalang dahil sa init na nararamdaman sa GenSan ay naghahanda na ang kanilang city agriculture office, maging mga magsasaka sa mga negatibong epekto ng tuyong panahon.
Bahagi ng kanilang paghahanda ang maagang pag-ani ng mga pananim ng ilang magsasaka.
Paalala pa ng mga otoridad, dapat ay mag-ingat ang lahat sa mga epekto ng sobrang init at sobrang lamig, pati na rin ang pabago-bagong temperaturang nararamdaman sa ibang bahagi ng Pilipinas.