300 baranggay officials na nasa narco-list ng PDEA, ipapatokhang ng PNP

 

Ipinatotokhang ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang halos 300 baranggay official na nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Ang hakbang na ito ay bilang paghahanda na rin sa gaganaping Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Dela Rosa, kaparehong istilo anya sa pagtotokhang sa mga ordinaryong sibilyan ang ipatutupad sa mga target na pulitiko.

Kakatok daw sila sa mga bahay-bahay at makikiusap sa mga opisyal na na sinasabing sangkot sa droga na tumigil na sa kanilang iligal na gawain.

Nabatid na kabuuang 289 barangay officials ang nasa listahan ng mga umano’y sangkot sa bentahan ng bawal na gamot.

Barangay captain ang 143 sa mga ito habang 146 ang mga kagawad ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino.

Read more...