Reaksyon ito ni Drilon sa panawagan ng mga hukom at empleyado ng Korte Suprema na mag-resign na si Sereno.
Kinakitaan na ng House justice committee ng probable cause ang impeachment complaint laban kay Sereno.
Pero sinabi ni Drilon na posibleng hindi na umabot sa Senado ang impeachment complaint kung magdesisyon ang Supreme Court pabor sa quo warranto petition na inihain ng Solicitor General na kumuwestyon sa ligalidad ng pagkatalaga ni Sereno bilang Chief Justice.
Samantala, pareho ng posisyon si Senate President Koko Pimentel.
Sinabi nito na si Sereno lamang ang pwedeng magdesisyon kung bababa ito sa pwesto.
Dumistansya si Pimentel sa isyu ng resignation ni Sereno basta ang senado aniya ay handa sakaling iakyat sa kanila ng Kamara ang articles of impeachment.