Anim hanggang walong buwan na mahihinto sa paglalaro ng professional basketball si Marc Pingris.
Ito ay matapos kumpirmahin ng mga doktor na nakaranas ang Magnolia Hotshots veteran forward ng ACL o Anterior cruciate ligament injury sa kanyang kaliwang tuhod.
Ayon kay Magnolia governor Rene Pardo, kinumpirma ng mga doktor ang injury ni Pingris at pinayuhan itong sumailalim sa operasyon sa tuhod.
Isasagawa ang operasyon sa kaliwang tuhod ni Pingris upang ayusin ang napunit na ligament ngayong liggong ito.
Matatandang nasaktan ang manlalaro sa Game 1 kontra NLEX noong Sabado para sa 2018 PBA Philippine Cup semifinals.
Tinatakbo ng atleta ang bola patungo sa goal nang bigla itong makaranas ng matinding sakit sa kanyang tuhod kaya’t agad itong dinala sa ospital.