Eroplano nag-crash sa Kathmandu International Airport

AP photo

Inaasahang marami ang namatay makaraang mag-crash ang isang eroplano ng US-Bangla na isang Bangladeshi airline sa Kathmandu International Aiport sa Nepal.

Sa paunang impormasyon na inilabas ng nasabing paliparan, bumagsak habang pababa sa airport ang S2-AGU na isang Bombardier Dash 8 Q400 plane na pag-aari ng US-Bangla Airline.

Naganap ang insidente 14:20 local time (8:35GMT) kung saan may lamang 67 pasahero ang nasabing eroplano at apat na flight crew.

Sinabi ni airport spokesman prem Nath Thakur, umaabot na sa 20 mga injured passengers ang kanilang dinala sa pagamutan at maraming iba pa ang naipit sa wreckage ng bumagsak na eroplano.

Mabilis na rumesponde ang mga emergency vehicles samantalang pansamantala munang isinara sa publiko ang kabuuan ng Kathmandu International Airport.

Ang nasabing paliparan ay kabilang sa mga pinaka-delikadong airports sa daigdig dahil napapaligiran ito ng mga matataas na bundok.

Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng plane crash.

Read more...