Aprubado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang muling ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa botong 14-2 ng mga miyembro ng komite ay kanilang pinagpasyahan ng huwag ituloy ang halalan.
Napagkasunduan din na muling itakda ang SK at Barangay elections sa ikalawang Lunes ng Oktubre 2018 sa botong 17-0.
Apat na panukala ang nakahain sa Kamara para sa muling pagpapaliban ng nasabing halalan pero ang suhestyon ni Majority Leader Rodolfo Fariñas ang sinang ayunan ng komite.
Sinabi ng pinuno ng komite na si Cibac Rep. Sherwyn Tugna na posibleng bukas ay madala na sa plenaryo kamara ang panukala.
Nauna rito, itinakda ang Barangay at SK elections sa may 14 ng kasalukuyang taon.
MOST READ
LATEST STORIES