Maternity leave extension bill hiniling na ipasa agad sa Kamara

Inquirer file photo

Hiniling ng ilang mga kongresista sa pamunuan ng Kamara na ipasa na ang panukala upang gawing mas mahaba ang araw ng maternity leave.

Sa ilalim ng panukala, gagawin ng 100 araw ang maternity leave mula sa kasalukuyang 60-araw para sa normal delivery at 78-araw naman para sa caesarean delivery.

Kapag naaprubahan mayroong opsyon ang bagong panganak na mag-extend pa ng 30-araw ng maternity leave pero wala na itong bayad.

Gayunman, sinabi ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy nagbigay na ng commitment si House Speaker Pantaleon Alvarez na maipapasa ito ng kamara.

Ang expanded maternity leave bill ay matagal nang nakabitin ang debate para sa ikalawang pagbasa at mula dito ay natulog na ang panukala.

Ang pilipinas ang isa sa mga bansa ngayon na may pinaka-maikling maternity leave.

Read more...