Sen. De Lima dinala sa Philippine Heart Center para sa medical check-up

Photo: Mark Makalalad

Nakaalis na si Senadora Leila De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame para sa kanyang medical furlough.

Pasado alas-3:00 ng hapon nang makalabas si De Lima sa detention cell kasama ang mga tauhan ng PNP.

Dadalhin siya Philippine Heart Center para magpa-check up matapos irekomenda ng kanyang doctor na sumailalim sya sa CT scan dahil nakitaan sya ng mass sa atay.

Nabatid na nitong February 22 nang magsumite si De Lima ng motion sa hukuman na agad namang pinagbigyan.

Batay sa desisyon ni Quezon City RTC Branch 206 Judge Amelia Fabros Corpuz, bibigyan lamang si De Lima na isang araw na furlough.

Ibabalik naman sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame ang senadora matapos ang check up.

Read more...