Pinagbotohan na ng binuong Consultative Committee na nag-aaral sa gagawing amyenda sa 1987 Constitution ang usapin kung ipagbabawal na ba ng tuluyan o kokontrolin lang ang political dynasties.
Sa botong 10-9, nagpasya ang mayorya ng miyembro ng ConCom na i-regulate lang ang political dynasties sa halip n amagpatupad ng total ban dito.
Naging kapana-panabik pa ang botohan dahil sa 19 na miyembro ng ConCom na present sa en banc session, tumabla sa 9-9 ang boto at si ang pinuno ng ConCom na si dating Chief Justice Reynato Puno ang huling bumoto o nagsilbing tie-breaker.
“For regulation” ang boto ni Puno kaya namayani ang boto para i-regulate lang ang political dynasties sa halip na i-ban na ng tuluyan.
Isa naman sa mga miyembro ng komite ang absent kaya hindi nakaboto.
Ang anti-dynasty provision ay bahagi ng panukala sa draft para sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Sa ilalim ng napagkasunduang “regulation” sa political dynasty, ang babawalan lamang ay ang political dynasty sangkot ang mga pulitiko na hanggang 2nd degree ang kanilang blood relation.