Dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon pinalaya na ng senado

Inquirer Photo | Christine Avendaño

Pinalaya na ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Si Faeldon ay ipinakulong sa senado at kalaunan ay sa Pasay City Jail matapos ma-cite for contempt dahil sa pagtangging humarap at sumagot sa pagdinig kaugnay sa isyu ng katiwalian sa Customs.

Matapos mangakong hindi na siya magbibigay ng hindi magandang mga pahayag laban sa komite, pinalaya na ng komite si Faeldon.

Nilagdaan ni Senator Richard Gordon ang release order.

Inatasan ni Gordon ang Sergeant-At-Arms ng senado na agad ipatupad ang release order kay Faeldon.

Ayon sa abogado ni Faeldon, umabot ng 143 days ang pagkakakulong nito sa Senado at isa at kalahating buwan naman sa Pasay City.

Nagresulta umano ito ng pangangayayat ni Faeldon at umabot sa 28 pounds ang nabawas sa timbang ng opisyal.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...