Mga miyembro ng human rights group, ipapakain sa buwaya ni Pangulong Duterte

May paninagong banat na naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-human rights na patuloy na pumupuna sa kanyang kampanya kontra sa ilegal na droga.

Ayon sa pangulo, ipapakain niya sa buwaya ang mga taga-human rights.

Giit ng pangulo, noon pa man malinaw na ang kanyang utos sa PNP at iba pang law enforcement agency na buwagin ang sindikato ng ilegal na droga pati na ang pagpatay sa mga drug personalities kapag nalagay sa peligro ang kanilang buhay.

Malinaw aniya na nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas na pangalagaan ng pangulo ang publiko pati na ang bayan.

“That is provided for in the Constitution itself. Our Constitution. Kay sinabi ko, “Iiwan mo na lang sa akin. Eh magpuntahan dito ‘yung mga g***.” May mga buwaya ba dito? ‘Yung kumakain talaga ng tao,” ayon sa pangulo

Samantala, nakahanda rin ang pangulo na magpakulong sa international criminal court na ngayon ay nagsasagawa na ng preliminary examination sa kanyang war on drugs.

Ayon sa pangulo, agad siyang lilipad patungo kung saan man ang kulungan na itatalaga ng ICC pero biro nito, dapat may kasama siyang limang babae.

Nagpaliwanag din ang pangulo kung bakit inatasan niya ang mga pulis na huwag sumagot sa mga tanong ng ICC.

Ayon sa pangulo, malalagay lamang kasi sa jeopardy ang kanyang war on drugs kapg magkakaiba ang magiging sagot ng mga pulis.

Kaya mas mainam ayon sa pangulo na siya na lamang ang sasagot sa ICC.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...