Ayon kay Lt. Col Gerry Besena, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at commander ng vivil military operations, marami pa ang hindi nakukumpirmang bilang ng mga nasawi sa nangyaring engkwentro.
Sa ngayon kasi maliban sa 44 na patay at 26 na sugatan mula sa grupo ng BIFF ay mayroon silang natanggap na ulat na may mga residente sa Datu Saudi Ampatuan na nakakita na may mga BIFF na may bitbit na bangakay ng kanilang mga kasama.
Kasunod nito, sinabi ng opisyal na determinado ang kanilang hanay na sugpuin ang terorismo sa lugar na naghahasik ng kaguluhan.
Nitong nakaraang linggo lang, nakasagupa ng 2nd Mechanized Infantry Battalion ng Army ang BIFF na nasa pamumuno ni Commander Peni.
Tumagal ng ilang oras ang bakbakan kung saan nagkaroon pa ng reinforcement bago natalo ang mga BIFF.
Samantala, sa panig naman ng gobyerno ay wala naman naitalang patay at isa lamang ang nasugatan.