Bentahan ng ‘pekeng shabu’ nagiging talamak na rin ayon sa PDEA

INQUIRER.net File Photo

Nagiging pahirapan na ang bentahan ng iligal na droga.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino, ramdam na ramdam na ang epekto ng war on drugs ng pamahalaan dahilan para bumaba ang suplay nito sa buong bansa.

Ang pahayag ni Aquino ay kasunod na rin sa pagkakahuli sa 2 miyembro ng West African Drug Syndicate sa Cavite kung saan nabatid na hindi lamang mga shabu ang kanilang binebenta kundi pati mga pekeng shabu rin.

Pahayag ng opisyal, mas malakas epekto ng pekeng shabu dahil tila pagtira na ng lason ang katumbas nito.

Lalong manganganib kasi sa katinuan sa pag-iisip ng isang adik ang epekto ng halo nitong isopropylbenzylamine, isang kemikal na kamukha ng methampethamine hydrochloride.

Ani Aquino, base rin sa mga nahuhuli ng PDEA lumalabas na nagiging tamalak na naman ang marijuana at ecstasy sa merkado, indikasyon na humihina na ang supply ng iligal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...