5,000 preso sa Manila City Jail isasailalim sa mass screening sa sakit ng TB

Kuha ni Ricky Brozas

Magsasagawa ng mass screening sa sakit na tuberculosis ngayong araw sa mga preso sa Manila City Jail.

Ang mass screening ay isasagawa ng Department of Health (DOH) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ay upang matukoy kung ilan sa mga preso ang apektado ng TB.

Aabot sa 5,000 ang sasailalim sa screening.

Magugunitang noong nakaraang linggo napaulat na marami sa mga preso sa nasabing bilangguan ang nagkakasakit na.

Ito ay dahil sa umiinit nang panahon at siksikan sa bilangguan.

 

 

 

 

Read more...