Sa abiso ng Meralco, may mga aktibidad sila sa nasabing mga lugar na magdudulot ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar.
Narito ang mga maaapektuhan ng power interruption:
Sa Imus City mula 9:30 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon, apektado ang:
- Bahagi ng Golden Villas Subd. sa Brgy. Carsadang Bago II
Sa General Trias City mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon, apektado ang:
- Bahagi ng Sunny Brooke Phase 1 Subd. sa Brgy. San Francisco
Sa Bacoor, Cavite mula a;as 10:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon, apektado ang:
- Buong Camella Homes sa Brgy. Mabolo III
Ayon sa Meralco, line reconstruction ang isasagawa nila sa nabanggit na mga lugar.
Samantala, sa Quezon City, mual alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon apektado ng power interruption ang:
- Bahagi ng 10th Street mula Balete Drive hanggang Doña Hemady Street sa Brgy. Mariana
Pagpapalit naman ng poste at line reconductoring ang dahilan ng power interruption.
Tiniyak naman ng Meralco na tatapusin sa itinakdang oras ang mga aktibidad upang maibalik agad ang suplay ng kuryente.