Nitong nagdaang weekend, nakaranas ng malamig na panahon sa maraming lugar sa Luzon.
Ngayong araw sinabi ng PAGASA na apektado pa rin ng Northeast Monsoon ang Cordillera Administrative Region (CAR), Bicol Region, Cagayan Valley, Eastern Visayas at lalawigan ng Aurora at Quezon gayundin ang Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Samantala sa Mindanao at sa nalalabi pang bahagi ng Visayas ay iiral ang localized thunderstorms.
Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng sa kalagitnaan ng Marso ay magdeklara na ng panahon ng tag-init sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES