Ilang grupo sa hudikatura, pinilit umanong suportahan ang panawagang ‘Sereno resign’ – Inquirer source

 

Tatlong mataas na opisyal umano ng Korte Suprema ang nangunguna sa pag-pressure sa mga miyembro ng iba’t ibang grupo sa sangay ng Hudikatura upang suportahan ang panawagang pagbitiwin sa puwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kabilang sa mga grupong umano’y nakakaranas ng pressure ay ang Regional Trial Court Judges Association (RTCJA), Philippine Judges Association (PJA), at Supreme Court Union.

Ayon sa source ng Inquirer, bago pa man ang tinaguriang ‘Red Monday’ noong nakaraang linggo, ay nagkaroon na ng direktiba sa lahat ng mga judiciary employees kabilang na ang mga huwes na magsuot ng pulang damit bilang simbolo ng kanilang panawagan na Sereno resignation.

Gayunman, hindi ito sinuportahan ng mga miyembro ng Metropolitan Trial Court Judges Association of the Philippines o MetJAP.

Maging ang Regional Trial Court Judges Association aniya ay kinwestyon rin ang manifesto na humihiling ng pabibitiw sa puwesto ng Punong Mahistrado.

Read more...