Inflation, mababang pasahod at katiwalian ang mga nangungunang alalahanin ng mga Pinoy

A bank teller counts Philippine peso for a client selling US dollars in Manila on November 21, 2008. Philippine share prices closed 4.14 percent lower on Friday tracking falls on Wall Street overnight amid weak US economic data, the local currency traded at 50.076 to the dollar. The composite index was down 76.43 points at 1,765.90 points. The all-shares index fell 2.97 percent to 1,153.79 points. AFP PHOTO/ROMEO GACAD

Kabilang sa mga pangunahing isyu at problemang kinakaharap ng mga mamamayan ngayon na nais nilang masolusyunan pagkatapos ng eleksyon ay ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tamang pasweldo at katiwalian sa gobyerno.

Ito ay batay sa resulta ng Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia na isinagawa noong may 30 hanggang June 5 sa 1,200 respondents ng survey.

Nanguna sa mga problemang nais masolusyunan ng mga mamamayan ang inflation (47%), pagpapataas ng sweldo (46%), na sinundan ng katiwalian ng mga opisyal (39%), trabaho (36%) at kahirapan (35%).

Nang tanungin naman sila sa mga isyung pambansa na sa tingin nila’y dapat agad na maharap ay ang kapayapaan (21%), kriminalidad (20%), rule of law (16%), at pagkasira ng kalikasan (15%).

Ang mga isyung pinakamababa naman sa listahan ay ang pag-kontrol sa lumalaking populasyon na nagtamo lamang ng 9%, national territorial integrity sa 7%, constitutional amendment sa 4% at terorismo sa 4% rin.

Ayon kay Prof. Ernesto Pernia ng University of the Philippines’ School of Economics, ipinapakita lang nito na sensitibo ang ating ekonomiya dahil maging ang maliliit na pagbabago sa presyo ng mga bilihin at pasahod ay malaki ang epekto sa mga tao.

Sa tuwing tumataas kasi ang presyo ng mga bilihin at serbisyo, nababawasan ang halaga ng pera at nababawasan ang purchasing power ng mga mamimili o ang kanilang kakayahan na bayaran o bilhin ang mga pangkaraniwan nilang binibili.

Dagdag pa dito, pahirap rin sa mga tao ang hindi pagtaas ng sahod kasabay ng mga nagtataasang presyo ng mga bilihin, kaya naman sa tuwing nangyayari ito, kumakaunti ang kayang bilhin ng mga tao sa parehong halaga ng sahod.

Read more...