Nag-negatibo sa MERS Corona Virus ang 12 health workers na nakasalamuha ng Saudi Arabia national na namatay dahil sanaturang karamdaman dito sa bansa kamakailan.
Ayon sa Department of Health, isinailalim sa mga kaukulang medical examination ang naturang mga health workers dahil sa pagkakaroon ng mga sintomas na kahalintulad ng may MERS, ngunit nagnegatibo ang mga ito sa naturang virus.
Nasa mabuting kalagayan na ang mga naturang health workers, habang patuloy na inoobserbahan pa rin sa RITM o Reasearch Institute for Tropical Medicine sa Alabang, Muntinlupa at sa San Lazaro Hospital sa Maynila sa loob ng dalawang linggo.
Patuloy naman ang ‘contact tracing’ ng binuong Task Force MERS-CoV sa iba pang nakahalubilo ng namatay na Saudi Arabian kabilang na ang mga hospital staff kung saan aconfine ang dayuhan at personnel ng hotel na tinuluyan nito.
Maging ang mga empleyado ng funeral parlor na nag-ayos sa labi ng biktima ay hinahanap din ng Task Force.