40 opisyal ng PCG, itinaas ang ranggo

Inquirer file photo

40 na Philippine Coast Guard (PCG) personnel ang nakatanggap ng spot promotion dahil sa pagseserbisyo sa loob ng limang buwan habang naggaganap ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Maute Terror group sa Marawi City.

Ilan sa mga opisyal ay ginawaran ng medals of merit, kung saan karamihan sa kanila ay nakatalaga sa special operations group at anti-terrorism unit ng PCG at iginugol ang kanilang araw at gabi sa pagpapatrolya sa karagatang  sakop ng Marawi City at Iligan City.

Idineploy sila para bantayan ang seguridad sa Lanao lake at port of Iligan para harangin ang mga terorista, mga suplay at logistics na makapasok sa lungsod para ayudahan ang mga terorista.

Samantala, batay sa ulat ng Department of Transportation o DOTr, maglalagay din ang PCG ng istasyon sa Marantao para ipagpatuloy ang pagpapatrolya upang mapanatili ang peace and order, pati na ang pangangalaga sa marine environment sa lugar para matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.

Read more...