Pasok sa top 10 finalists ng 2018 Global Teacher prize of Varkey foundation ang isang guro mula sa Iloilo.
Ayon sa Department of Education, isang malaking karangalan na napasama si Dr. Jesus Insilada sa isa sa 10 nominado sa pinakamagaling na guro mula sa buong mundo.
Gaganapin ang awarding ngayong Marso sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).
Si Insilada ay isa sa 30,000 guro na nominado mula sa 170 bansa.
Sa kasalukuyan, nagsisilbing principal si Insilada sa Caninguan National High School sa bayan ng Calinog sa Iloilo.
Nakapasok si Insilada sa Bill Gates Foundation dahil sa paggamit sa culture-based teaching sa mga katutubo.
Sa kasalukuyan, miyembro rin si Insilada sa Panay-Bukidnon Indigenous Peoples’ (IP) community at advocate ng IP’s rights and welfare,
Bukod kay Insilada, nakapasok din sa Top 10 Best Teacher ang mga finalists mula sa bansang Turkey, South Africa, Colombia, United States, Brazil, Belgium, Australia, United Kingdom, at Norway,
Ayon kay Insilada, hindi siya makapaniwala na kasama siya sa mga nominado bilang best teacher.
Isa aniyang malaking karangalan na mapasali sa listahan para magsilbing inspirasyon sa iba.
Sakaling mapanalunan ni Insilada ang $1 million na premyo, gagamitin niya ito sa pagpapatayo sa museum para maipakita ang Panay-Bukidnon culture.