Mainit na panahon, asahan na sa mga darating na araw – PAGASA

Inquirer file photo

Inaasahan nang mararamdaman ang mainit na panahon simula ngayong Linggo.

Sa isang panayam, sinabi ni PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio na mararamdaman ang mainit na panahon kapag tumigil na ang pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan.

Gayunman, asahan pa rin aniya ang kalat-kalat na pag-ulan sa mga darating na araw dahil sa La Niña.

Samantala, nilinaw din ng weather bureau na hindi pa opisyal na maidedeklara ang summer season ngayong Linggo.

Dagdag pa nito, ang mga mararanasang panahon ay sinyales ng papasok na dry season kung saan kadalasang idinedeklara sa kalagitnaan ng Marso.

Read more...