Luzon makakaranas ng pulo-pulong pag-ulan

Credit: PAGASA

Magdadala ang northeast monsoon ng maulap na papawirin na may kasamang pulo-pulong mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, partikular na ang Cagayan Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Bicol Region, maging ang mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Ayon sa PAGASA, mararanasan rin ang katulad na panahon ang mga lalawigan sa Eastern Visayas.

Magdadala naman ang northeast monsoon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang manaka-nakang mahinang pag-uulan sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Samantalang asahan naman ang manaka-nakang mga pag-uulan ang natitirang bahagi ng bansa.

Magiging malakas rin ang hangin sa hilagang Luzon, eastern section ng central at southern Luzon, maging sa Northern at Eastern Samar, kaya naman asahan nang malaki ang mga alon sa mga nasabing lugar.

Payo ng PAG-ASA, huwag nang maglayag ang mga mangingisda upang makaiwas sa anumang sakuna.

Para sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas, moderate hanggang strong ang inaasahang lakas ng hangin, dahilan upang maging moderate hanggang rough ang alon sa dagat.

Samantalang, light to moderate naman ang hangin sa Mindanao na magdadala ng slight to moderate coastal waters.

Read more...