Ayon sa pahayag na inilabas ng Philippine Marine Corps, alas-5:10 ng umaga ng Sabado nang maganap ang palitan ng putok sa Barangay Tubi Puti.
Kinilala ang sinasabing coddler ng ASG na si Muksidin A Dadil.
Narekober mula dito ang isang rifle magazine, pitong bala ng 7.62mm, dalawang basyo ng 7.62mm, dalawang bala ng kalibre 30, combat webbing, apat na uniporme, dalawang cellphone, at tatlong identification cards.
Itinurnover na ang bangkay ng napatay na si A Dadil sa officer-in-charge ng barangay para sa paglilibing nito.
Samantala, sinabi naman ni Philippine Marine Ready Force-Sulu commander Colonel Armel Tolato na handa silang tanggapin ang mga bagbabalik loob sa pamahalaan, ngunit patuloy naman nilang tutugisin ang mga rebelde at teroristang mananatiling kalaban ng gobyerno.