Ex-SP Enrile, kinokonsidera maging parte ng private prosecutor sa Sereno impeachment

Inquirer file photo

Kinumpirma ni House Committee on Justice Reynaldo Umali na kinukunsidera si dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang bahagi ng private prosecutor sa impeachment trial ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa kwestyunableng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ayon kay Umali, available naman si Enrile na tumlong sa prosecution panel.

Dagdag ni Umali, magsisilbing adviser si Enrile ng private prosecution panel.

Matatandaang si Enrile ang nagsilbing presiding judge sa impeachment trial noon ni dating Chief Justice Renato Corona na nasibak din sa pwesto dahil sa hindi deklaradong SALN.

Ayon kay Umali, malaking timbang at tulong ang maibibigay ni Enrile kung tuluyang magiging parte ng pagiging private prosecutor.

Sa ngayon, nakatutok aniya ang kanilang hanay sa pagbalangkas ng articles of impeachment.

Read more...