Hinikayat ng isang obispo ng Simbahang Katolika ang mga kapwa-pari na sumailalim sa lifestyle check.
Paliwanag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Seminaries, ito ay para malaman kung nananatiling tapat ang mga pari sa kanilang misyon bilang ‘alter Christus.’
Aniya, dapat hayaan ng mga pari na suriin ang kanilang day-to-day activities at kung ilang oras ginagampanan ang responsilibidad.
Maliban dito, binanggit din ni Alminaza ang mga finances at pag-aaring gadgets o kagamitan.
Dagdag pa nito, dapat din alamin kung paano nakikisalamuha ang mga pari bilang parte ng pagiging saksi ng buhay at gawa ng Diyos.
READ NEXT
Pulis at sundalo may karapatang hindi sagutin ang tanong ng human rights investigators – Pang. Duterte
MOST READ
LATEST STORIES