Ito ay matapos niyang isiwalat na 9,000 mga barangay kapitan ang nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, desidido ang pangulo sa pamamagitan ng DILG na tanggalin sa kanilang trabaho ang mga barangay captain na sangkot sa iligal na droga.
Dagdag pa ni Diño, gusto niyang makasuhan at makulong ang mga barangay chairman na nasa narco-list.
Nagpaalala rin ang opisyan sa mga kawani ng barangay na isumite na nila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang mga barangay drug watchlist bago o sa mismong araw ng March 21. Kung hindi ay posible silang masuspinde o matanggal rin sa pwesto.