Umaga ng Sabado ng magpost sa kanyang official twitter account si US President Donald Trump at kinumpirmang pinaghahandaan ang dayalogo sa pagitan ng dalawang bansa at sinabing makabubuti ito sa buong mundo.
Sa pulong balitaan sa Alimodian, Ilolo sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapag-uusapan na ang mga bagay na hindi napagkakasunduan ng dalawang bansa.
Iginiit ni Roque na sa kasagsagan ng ASEAN at APEC summits, paulit-ulit na ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi ito sang-ayon sa kaguluhan sa rehiyon.
Matatandaang makailang beses na nagpalitan ng maanghang na salita ang US at North Korea dahil sa nuclear ambitions ng Pyongyang na nagdudulot ng tensyon sa Korean Peninsula.