Ito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo bilang sagot sa isiniwalat ni Senate Majority Leader Tito Sotto tungkol sa kanyang natanggap na impormasyon na nagkaroon ng maagang transmission ng mga boto at foreign access sa mga election servers noong 2016.
Ani Robredo, dapat maimbestigahan ang mga alegasyon ni Sotto dahil posibleng hindi lamang ang mga kandidato ang apektado nito, ngunit maging ang kabuuang electoral process sa national at local level.
Aniya pa, dapat ipaliwanag ng Commission on Elections (COMELEC) kung totoo bang nagkaroon ng maagang transmission ng mga boto isang araw bago ang mismong halalan.
Samantala, hindi naman sangayon si Sotto sa naging pahayag ng bise presidente. Aniya ang tanging kaduda-duda lamang ay iyong mga boto na na-transmit sa panahong hindi pa dapat ito na-transmit.
Ayon umano sa kanyang natanggap na impormasyon, anim na kandidato sa national level lamang ang apektado nito.
Kaya naman upang mapatunayan ang kanyang mga alegasyon ay handang maglabas ng karagdagang pruweba si Sotto sa araw ng Lunes.