Pormal nang iaanunsyo ng Liberal Party ngayong araw ang tambalang Mar Roxas at Leni Robredo para sa 2016 elections.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., kabilang sa agenda sa magaganap na okasyon ngayong umaga sa Club Filipino sa San Juan ay ang deklarasyon kay Robredo bilang Vice Presidential candidate ng partido.
Sa panig naman ni Laguna Rep. Dan Fernandez, ‘sure thing’ na raw ang vice presidential bid ni Robredo.
Bukod sa pag-proklama kay Robredo, inaasahan ding isasapubliko ang buo at pinal na senatorial slate ng LP.
Noong September 30, bigo ang partido Liberal na mai-anunsyo ang kanilang kandidato sa pagka-VP dahil hindi pa nagdedesisyon si Rep. Robredo kung tatakbo ito sa mas mataas na posisyon sa susunod na taon.
First term house member ang kinatawan ng Camarines Sur si Robredo.