Pia Wurtzbach, lubos ang pasasalamat sa pagkakataong mabigyan ng pelikula

Mangiyak-ngiyak si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach habang inaalala ang karanasan niya nang hindi agad nag-boom ang kanyang showbiz career noong 2002.

Sa press conference ng kanyang bagong pelikulang ‘My Perfect You’ kasama si Gerald Anderson ay sinabi ng beauty queen na naging mas mahirap na papasukin sa kanyang imahinasyon na magkaroon ng lead role sa pelikula kaysa ang manalo sa Miss Universe.

Bago pa ang Miss Universe, ang pagkakaroon ng pelikula kung saan siya ang bida ay ang unang pangarap ni Wurtzbach.

Anya, lubos ang kanyang pasasalamat na mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng pelikula at ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit kailangan niyang maranasan ang kanyang mga napagdaanang hirap at pagkatalo dahil darating din naman pala ang tamang panahon.

Ikwinento ni Wurtzbach na sinabi ng kanyang kapatid na proud ito sa kanya nang mapanood ang trailer ng bago niyang pelikula dahil matagal niya na itong gusto.

Ito na agad ang ikalawang pelikula ng beauty queen matapos ang matagumpay ding MMFF Film na ‘The Revengers Squad’ na isa siya sa mga main cast kasama si Vice Ganda.

Ipalalabas na ang bago niyang pelikula kasama si Anderson simula Miyerkules sa mga sinehan sa buong bansa.

Read more...