Nagsagawa ng pagsasanay sa disaster preparedness ang Office of the Civil Defense (OCD) – Cordillera Administrative Region (CAR) para sa mga persons with disabilities (PWDs) sa rehiyon.
Dinaluhan ng mga nakilahok na PWDs ang one-day training na lubhang mahalaga para sa nasabing sektor.
Ayon kay OCD-CAR regional director Andrew Alex Uy, nakilahok ang mga participants mula sa sampung bayan sa lalawigan ng Benguet kabilang ang Atok, Bokod, Buguias, Itogon, Kabayan, La Trinidad, Mankayan, Tuba at Tublay.
Ayon kay Uy, binigyan ng mga mahahalagang tips ang PWDs ukol sa disaster prevention and mitigation at kahandaan sa sakuna.
Hindi anya kahulugan ng kawalan ng kakayahan ang kakulangang pisikal kaya’t nararapat lamang na maalam ang mga PWDs bago, habang at pagkatapos ng mga kalamidad.
Ilan sa mga itinuro ay ang kahalagahan ng ‘buddy system’ kung saan sa oras ng sakuna ay may maaasahang ‘able-bodied person’ ang isang PWD upang tiyakin ang kanyang kaligtasan.
Iginiit ni Uy na mahalaga ang disaster risk reduction management (DRRM) activities at ipagpapatuloy anya ang pagpapatupad ng ganitong programa.
Ayon kay OCD-CAR training chief Guadaliva Panitio, ipagpaptuloy nila ang pagpapalawig sa DRRM awareness sa iba pang sektor ng lipunan.