Sa isang pahayag na inilabas ng CHR, sinabi nito na nagpunta na ang kanilang mga imbestigador sa Manila Police District (MPD) upang makakuha ng spot report tungkol sa pagkakabaril umano ni PO2 Omar Malinao kay Aldrin Pineda noong March 3.
Nakapagsagawa na rin aniya sila ng panayam sa mga saksi sa pangyayari, kabilang ang lola at kaibigan ni Pineda na naroon nang mabaril ito sa Vitas slaughterhouse.
Layunin ng imbestigasyon na agarang makamit ang hustisya para sa binatilyo.
Nauna naman nang nagpahayag ng pagkadusmaya si CHR commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana na siya ring pinuno ng task force on extrajudicial killings tungkol sa paliwanag ni Malinao kung paano pumutok ang kanyang baril.