Kinilala ang suspek na si Joseph Duy Pan na isang photographer.
Batay sa reklamo ng security guard ng condominium building, kinukuhanan ni Pan ng mga hubad na larawan ang mga menor de edad na babae sa swimming pool ng condominium.
Ilang mga kabataang babae na edad 10 hanggang 13 ang na-rescue ng mga otoridad.
Ayon sa mga ito, binabayaran ni Pan ang kanilang mga magulang ng P500 hanggang P1,000 para makuhanan sila ng hubad na litrato.
Aminado naman ang suspek sa ginawang krimen. Aniya, alam naman ng mga magulang ng mga kabataan ang kanyang gagawin.
Dagdag pa nito, mayroon siyang access sa swimming pool ng condominium dahil mayroong unit ang kanyang kapatid dito.
Samantala, itinanggi naman ni Pan na inuupload niya sa internet ang mga hubad na larawan.
Gayumpaman, mahaharap ito sa kasong cybercrime at child pornography na may kaugnayan sa child abuse.