Sa pulong balitaan sa Alimodian, Iloilo ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang subpoena powers na ipinagkaloob sa PNP ay hindi gagamitin laban sa publiko at pananatilihin pa rin ang rule of law.
Ani Roque, mayroong mga batas na maaaring makatutugon sakaling maabuso ang kapangyarihang ito.
Iginiit ng kaliim na maaaring kwestyunin ang subpoena sa pamamagitan ng isang ‘petition for certiorari’.
Dagdag pa niya, ang subpoena powers ng PNP ay magagamit lamang para sa ‘indirect contempt’ at hindi magagamit para mang-aresto.
Nasa kamay pa rin ng korte ang ipatutupad na parusa sa mga taong hindi papansinin ang subpoena ayon kay Roque.
Ang Republic Act 10973 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, ay nagpapataw ng kapangyarihan sa PNP chief, director at deputy director for administration ng PNP-CIDG na makapag-isyu ng subpoena.