DILG, hinikayat ng mga botante na iboto sa Brgy. & SK elections ang kandidatong nakikiisa sa war on drugs

Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga botante na gamitin ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections bilang oportunidad para tuluyang masolusyunan ang ilegal na transaksyon ng droga sa bansa.

Sa isang pahayag, nagbigay ng payo si DILG spokesman at assistant secretary Jonathan Malaya sa mga botante na iboto ang mga kandidato na aktibong nakikiisa sa kampanya kontra droga.

Batay kasi sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), aabot sa 289 na barangay officials ang kabilang sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa nito, nagbaba na ng direktiba si DILG OIC-Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police (PNP) na gumawa ng case build-up para hindi na matagalan ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal.

Samantala, sinabi rin ng kagawaran na desisyon na ng PDEA kung isasapubliko ang mga pangalan ng mga opisyal na kabilang sa narco list.

Read more...