Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.0 ang Eastern Samar, Sabado ng madaling-araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol sa layong 56 kilometers North sa bayan ng San Policario bandang 3:45 ng madaling-araw.
May lalim itong 5 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang naiulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES